QatarDay

Gabay sa Pagkuha ng COVID-19 Vaccine sa Qatar

Gabay sa Pagkuha ng COVID-19 Vaccine sa Qatar By Darlene Regis - November 16, 2021
Gabay sa Pagkuha ng COVID19 Vaccine sa Qatar

Gabay sa Pagkuha ng COVID-19 Vaccine sa Qatar

Kinumpirma ng Ministry of Public Health o (MOPH) na second wave na ng coronavirus (COVID-19) dito sa Qatar. Sa katunayan, mahigit 700 na ang kaso ng virus ngayon sa bansa. Isang Chief Official ng Ministry na nag-abisong mas makabubuti ang full lockdown upang masugpo ang patuloy na pagdami ng mga taong apektado sa sakit na ito.

Base sa mga gabay na ibinahagi ng MoPH, narito ang ilan sa mga madalas itanong tungkol sa sakit na COVID-19 at ang libreng bakuhanang hatid ng Qatar para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) at mga residente dito:

1. Kapag babalik ng Qatar mula sa ibang bansa, hindi na ba kailangang magquarantine kung nabakunahan na ng COVID-19 vaccine?

Oo. Kapag kayo ay fully vaccinated na, hindi niyo na kailangang magquarantine kung kayo ay nagtravel abroad at kahit kayo ay na-expose sa taong nagpositibo sa COVID-19. Subalit, dapat kayo ay nagpabakuna sa Qatar at hindi sa ibang bansa.

Kapag natapos na ang inyong pangalawang turok ng vaccine, kailangan niyong maghintay ng 14 days inside or outside Qatar at hindi niyo na kailangang magquarantine kung kayo ay babalik dito regardless kahit saan ka man nanggaling na bansa.

Libre lamang ang vaccine para sa lahat ng taong nasa Qatar.

2. Ilang months valid ang COVID-19 vaccine certificate para hindi na kailangang mag quarantine kapag babalik ng Qatar?

Ang quarantine exemption ay valid for a period of three to six months, simula 14 days pagkatapos ng inyong second dose.

3. Bakit ang quarantine exemption para sa mga nabakunahan ay valid lamang for 6 months?

Ito ay ayon sa US Centers for Disease Control at base sa kasalukuyang ebidensiyang nakalap sa mga klinika. Inaalam pa kung gaano kabisa ang proteksyong hatid ng vaccine.

4. Ano ang mga dapat tandaan para hindi na magquarantine pagkatapos bakunahan?

Tandaan na kailangan ding kumuha ng negative PCR test kapag babalik ng Qatar.

Tandaan din na ang mga batang nasa edad 16 years old and below na hindi nabakunahan ay maaaring mag home quarantine, sa halip na hotel quarantine kapag babalik sa Qatar kasama ang mga fully vaccinated parents.

Ang pagiging exempted sa quarantine sa Qatar ay hindi pwede sa mga nagpabakuna sa ibang bansa.

5. Ano ang mga ipinagbabawal ngayon sa Qatar kontra COVID-19?

Ibinalik ang ilang mga restrictions at ito ang ilan sa mga mahahalagang dapat tandaan:

- Bawal ang mga indoor at outdoor wedding celebrations

- Bawal pumasok ang mga 18 years old sa sinehan at limitado sa 20 percent katao ang papayagan sa loob nito

- Bawal pumasok ang mga 12 years old and below sa mga shopping centers

- Bawal kumain sa mga food courts dahil for delivery or take-away orders lang

- Bawal ang mga gym, massage, sauna, swimming pool, at water park services

- Kapag pupunta sa mga dagat at park, families or minimum of 2 na hindi magkamag-anak ang papayagan

6. Saan maaaring magpabakuna?

Ang Primary Health Care Centers ay tumatanggap ng mga recipients’ ng vaccine by invitation only. Sila ay ang priority groups na may appointment na.

Gayundin sa Qatar National Convention Center, ito ay para sa mga piling grupo on a priority basis at by invitation only, kabilang ang mga teaching and administrative staff ng mga eskwelahan.

Mayroon naman Drive-through Vaccination Center sa Lusail. Subalit, ito ay para sa mga may second dose appointment lamang. Lahat ng nabakunahan ng first dose ay maaring magpunta dito ng walang appointment, subalit 21 days dapat ang nakalipas pagkatapos ng kanilang unang bakuna.

Ang drive-thru service schedule ay mula 11 ng umaga hanggang 10 ng gabi, at 7 days a week. Tandaan na ang last entrance dito ay 9 ng gabi.

Kapag hindi ka naman kasama sa priority groups, pwede kang magsubmit ng iyong interest to register sa MOPH online system at ikaw ay makakatanggap ng confirmation kapag mayroon ng slot para sayo.

Kabubukas pa lamang ng second COVID-19 drive-through vaccination center sa Qatar?

Dati nang may Lusail drive-through center. Ngayon mayroon naman sa Al Wakra located in Al Janoub Stadium. Kagaya ng Lusail, ito ay para sa kukuha lamang ng second dose.

7. Kailangan ba ng appointment kapag pupunta sa drive-thru center?

Hindi, dahil ito ay first come first served basis lamang. Kung nabakunahan kayo ng Pfizer sa first dose, maghintay ng 21 days bago kumuha ng second dose. Kapag Moderna vaccine naman, 28 days.

8. Maaari bang may kasama sa sasakyan kapag pupunta sa COVID-19 drive-through center?

Oo, pero dapat kukuha din sila ng second dose. Hanggang 4 ka tao lamang ang papayagan sa sasakyan

9. Sinu-sino ang priority na mabigyan ng libreng COVID-19 vaccine ngayon sa Qatar?

Una, mga may edad na 50 years old pataas depende sa kanilang health conditions 

Pangalawa, mga may moderate chronic medical conditions

Pangatlo, healthcare professionals at iba pang manggagawa ng ministries, mga guro at school administration staff.

Kapag kabilang ka sa mga nabanggit, makakatanggap ka ng SMS mula sa Primary Health Care Corporation o PHCC para sa iyong appointment.

10. Saan maaaring magpabakuna?

May 27 Primary Health Care Centers na tumatanggap ng mga recipients’ ng vaccine by invitation only. Sila ay ang priority groups na may appointment na.

Gayundin sa Qatar National Convention Center, ito ay para sa mga piling grupo on a priority basis at by invitation only, kabilang ang mga teaching and administrative staff ng mga eskwelahan.

Mayroon namang Drive-through Vaccination Centers sa Lusail at Wakra. 

Tandaan na kailangang may valid ID at Hamad Health card kayong dala kung magpapabakuna. Hindi mandatory ang health card subalit maaaring may bayad kapag wala ito.

11. Paano kung hindi ako kasama sa priority groups na mabakunahan?

Kapag hindi ka naman kasama sa priority groups, pwede kang magsubmit ng iyong interest to register sa MOPH online system at ikaw ay makakatanggap ng confirmation kapag mayroon ng slot para sayo.

Libre lamang ang vaccine para sa lahat ng taong nasa Qatar.

12. Pwede ba ang COVID-19 vaccines sa mga bata?

Hindi. Ang Pfizer and BioNTech vaccine ay para sa mga 16 years old pataas, at ang Moderna vaccine ay para sa 18 years and above.

13. Pwede bang magpabakuna ng COVID-19 vaccines ang mga may allergies?

Maaring magpabakuna ang mga may allergies, maliban sa mga may severe allergic reaction sa kahit anong vaccine.

Bago magpabakuna, susuriin muna kung maari bang magpabakuna ang pasyenteng may allergies. Kapag nabakunahan, sila ay i-momonitor ng hanggang 15 minutes upang siguraduhing ligtas dito.

14. Mayroon bang side-effects ang COVID-19 vaccine?

Mahigit 200 million ka-tao na sa buong mundo ang nabakunahan at nakapagpatunay na ligtas ang Pfizer/BioNTech at Moderna vaccines. Subalit, katulad ng ibang bakuna, maaaring makaramdang ng mild side effects katulad ng mababang lagnat, sakit sa ulo, fatigue, at pamamaga ng injected area.

15. Posible bang ang taong nabakunahan ay mahawaan pa rin ng COVID-19 virus?

Hindi, dahil ang vaccine na ito ay 100 percent effective. Ayon sa masusing pagsagawa ng clinical trials ng Pfizer/BioNTech at Moderna vaccines, 95 percent effective ang mga ito lalo na sa pagsugpo ng may mga sintomas ng COVID-19 infection pagkatapos ng dalawang turok. Subalit maaari ring magkaroon ng kunting bilang ng mga taong nakatanggap ng vaccine at may karamdaman pa rin dahil sa COVID-19.

16. Kung nagkaroon na ako ng COVID-19 dati, kailangan pa ba akong mabakunahan?

Oo. Kahit nasa pagsusuri na ang mga infected ng COVID-19 ay nagkaroon ng natural immunity hindi pa natutukoy kung hanggang kailan tatagal ang immunity na ito kaya’t kinakailangan pa ring magpabakuna.

17. Ligtas ba sa COVID-19 vaccine sa mga buntis, nagplaplanong mabuntis, at breastfeeding mothers?

Sa ngayon, wala pang ebidensiyang nagpapatunay na hindi ligtas ang Pfizer/BioNTech, at Moderna vaccines para sa mga buntis at breastfeeding moms. Ang physician lamang nila ang makakapagsabi kung ito ay pwede sa kanila. Halimbawa, kung sila ay mayroong healthy pregnancy with no high risk of exposure, it is recommended to postpone the vaccination. Sa mga nagbabalak mabuntis, kailangang maghintay muna ng 90 days after vaccination para sa ligtas na pregnancy.

18. Paano kumuha ng Covid-19 Vaccination Certificate kapag tapos ng magpabakuna?

Kailangan munang makumpleto niyo ang full course ng Covid-19 Vaccine ayon sa tamang protocol at dapat 7 days na ang nakalipas bago makuha ang iyong certificate.

Mayroon kayong dapat iregister sa MOPH website kaya’t sumangguni dito para sa buong detalye.

May ilang kaso na ng bagong variant ng COVID-19 na mas kilala bilang B.1.1.7 UK strain ang naitala sa Qatar. Ayon sa MOPH, ito ay mas nakahahawa kumpara sa naunang nadiskubreng virus dito.
Ang magandang balita ay ang Pfizer at BioNTech, gayundin ang Moderna vaccine ay napatunayang mabisang panangga sa new COVID-19 variant na nakarating na ng bansa.

Patuloy na pinaaalahanan ng mga awtoridad na sumunod sa safety protocols dahil nakakaalarma na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Panoorin ang video na ito para sa karagdagang impormasyon:

By Darlene Regis - November 16, 2021

Leave a comment

r