QatarDay

Makakauwi ba ng Pilipinas at makakabalik ng Qatar? Alamin dito

Makakauwi ba ng Pilipinas at makakabalik ng Qatar? Alamin dito By Qatar Day - June 15, 2021
Makakauwi ba ng Pilipinas at makakabalik ng Qatar.

Makakauwi ba ng Pilipinas at makakabalik ng Qatar? Alamin dito

PAGBALIK SA PILIPINAS MULA SA QATAR

Pwede bang makauwi ng Pilipinas sa lalong madaling panahon?

Pwede subalit mataas ang presyo ng mga airline ticket. Kapag magrequest ng repatriation assistance mula sa Embahada ng Pilipinas, libre lang ito sa arranged flight ng gobyerno para sa mga OFW.

Pwede bang bumili ako o ang employer ko ng ticket direkta sa airlines at hindi na magpalista sa repatriation assistance?

Oo. Kung gusto niyong direkta sa Airlines at i-shoulder niyo ang ticket cost or ang employer niyo ang bibili, maaari itong gawin.

May mga available flights, subalit may kamahalan ang mga ticket rates. Katulad ng isang kabayan na umuwi ng June 5. Ayon sa kanya, 9,500 QAR daw ang nagastos nito sa ticket kahit one way lamang (Doha to Manila).

Isang OFW sa Qatar ay nagsabi na hawak na daw niya ang June 16 flight ticket sa Qatar Airways, pero kinancel daw ng travel agency at nireschedule sa July 4.

May isang OFW, tatlong beses na daw nacancel ang flight at nakakaramdam na daw ito ng despression. Pero ngayon, nakapagbook na siya directly sa Qatar Airways main office at ang price sa bago niyang ticket ay umabot ng 7,000 QAR. Hindi binanggit kung anong petsa ang bagong flight nito.

Ano ang repatriation assistance na ibinibigay ng Pamahalaang Pilipinas?

Ito ang pagbabalik-bansa na pansamantala o lubusang pag-uwi sa Pilipinas ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) o Filipino citizens mula sa abroad dahil nawalan ng trabaho, nagsara ang kompanyang pinagtratrabahuan, at iba pang maaaring dahilan bunsod ng coronavirus (Covid-19) pandemic.

Alinsunod sa layunin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na bigyang diin ang social protection ng mga displaced workers OFWs dahil sa Covid-19 krisis sa pamamagitan ng pagbibigay ng access, benefits at welfare services, ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay inatasang magbigay ng repatriation assistance o pagbabalik-bansa sa mga distressed OFWs.

Ayon sa provisions ng Republic Act No. 10801 o OWWA Act of 2016, Section 35 Benefits and Services to OFWs, consistent sa provisions ng Republic Act No. 8042, at amended ng RA 10022, ang OWWA ay inaasahang umagapay sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagtulong sa mga OFWs na mapapadali ang kanilang repatriation kung kinakailangan.

Ano ang mga numerong maaaring tawagan upang humingi ng assistance?

Maaaring tawagan ang mga numerong ito:

POLO: For HOUSEHOLD workers: 3003 2245 or 3164 6644

For COMPANY workers' concerns yung pareho kaninang binanggit jo: 3030 4778 or 3160 4400

POLO office and Assistance to Nationals - 3030 4778, 3160 4400 at 6644 6303

Bakit hanggang ngayon wala pang update ang repatriation assistance request ko?

Marami ang natatanggap na request for assistance ng Philippine officials sa Qatar, kaya priority nila ang mga unang nagsubmit ng forms online. Maaaring tawagan ang mga numerong ito upang magfollow-up: 3030 4778, 3160 4400 at 6644 6303 (POLO office and Assistance to Nationals).

May flights ba pauwi ng Pilipinas from Qatar? Bakit cancelled ang flights ng Philippine Airlines?

Ayon kay Honorable Alan Timbayan, Ambassador ng Philippine Embassy in Qatar, ang kanselasyon ng PAL flights ay dahil sa inbound travel restrictions ng Qatar, na nagsimula pa noong March 2020. Hanggang ito ay hindi nail-lift, ang PAL ay patuloy na di makakakapasok sa Doha para maghatid at sumundo ng mga pasahero.

Dahil walang commercial flights papasok ng Doha mula sa Manila, ang Embahada ay nag-oorganize ng tinatawag na “chartered flights” para ngayong June 2020 at ang approval nito ang hinihintay. Ang approval ng chartered flights ay depende sa gobyerno ng Pilipinas at Qatar. 

Ang Pilipinas ay may requirement na quota na 600 pasahero lamang ang pwedeng lumapag sa Pilipinas sa isang araw via chartered flight. Depende sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ng Pilipinas kung kailan at kaninong chartered flight ang inaaprove nito. Bukod sa mga Embahada, maraming chartered flights din ang ini-organize ng mga pribadong kompanya para sa ma manggagagawa nito. 

Matapos ang approval ng IATF-EID, ang chartered flight sa Qtara na inorganize n gating Embahada ay mangangailangan din ng approval ng Qatar Civil Aviation Authority (QCCA) at Ministry of Interior (MoI).

Magmula noong April 2020 na kung saan sinumulan ang online appointment para sa repatriation program, a total of 4,700 ang nagregister sa repatriation assistance. 

Ang pagpili ng pasahero sa susunod na repatriation ay “first come, first served” basis. Sino ang mga priority – mga buntis,  senior citizens, at may malubhang sakit.

Kung kayo ay makakasama sa susunod na repatriation flight, kayo ay makakatanggap ng tawag o mensahe mula sa Philippine Embassy in Qatar. 

Ano ang proseso sa repatriation?

1. Magfill-out ng form online, sa link na ito:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeYOLGrip5lbpikn2sQcbPUSt5bDdNjz24FAUK03EmfsVqlOg/viewform

2. Habang naghihintay ng confirmed schedule niyo sa pag-uwi, siguraduhing mayroon kayong mga documents na required sa pag-uwi tulad ng:

Overseas Employment Certificate (OEC) o Balik Manggagawa form online sa link na ito: www.bmonline.ph.

Passport – Kailangang valid sa loob ng 6 months.

Kapag mag-set ng passport renewal appointment sa Embassy, dalhin ang old passport at siguraduhing may installed Etheraz App. Para makakuha ng booking online, magpunta sa official Facebook page ng Philippine Embassy at hanapin ang “Book Now” na nasa right corner ng page. Kinakailangang magbook ng appointment dito sapagkat hindi tatanggapin ang mga walk-ins na walang online booking reference, gayundin ang Ehteraz app. Kapag no slots available, pindutin lahat ng petsa hanggang makakuha ng next slot like.

Para sa passport delivery, narito ang delivery fees: QAR25 inside Doha and QAR60 if outside Doha. Upang magrequest ng delivery mag-email sa dohape@dfa.gov.ph pagkatapos kumpletuhin ang form na ito:  https://drive.google.com/file/d/1KArJU5zC64DYlZQd_1-uj5LIyUSxxQQE/view?fbclid=IwAR1Qv28Lm-cgV9mq-CNfOfKHJCdOXMPhTSZp1hjXI4evkl1oi_mQ9cJOZaI

Para sa passport validity extension o travel document inquiries, tumawag sa 55275123. Hindi na kailangang kumuha ng appointment para sa passport extension. Subalit kailangan paring ipakita ang Etheraz App na may green code (meaning ‘healthy’o hindi apektado ng coronavirus) yupang makapasok ng Embahada. Ang passport extension request ay makukuha sa mismong araw ng application.

Kapag may mga katanungan, tumawag sa: 5530 4772 POLO hotline.

Sa mga nag-apply ng repatriation assistance online, may tatawag na POLO official na magbibigay ng instructions sa pag-uwi mo.

Hindi ako kasama sa repatriation list, may mga dapat pa ba akong asikasuhin na documents sa Embassy o Polo office dahil baka hingan ako ng mga ito sa Immigration?

Tumawag sa 66446303 para malaman ito.

Kailangan bang may EHTERAZ app ang phone ko kapag pupunta sa airport?

Wag kalimutan na kailangan ng EHTERAZ app kapag pupunta sa Hamad International Airport. Ang mga under under 18 years old ay hindi naman required na mag-install ng app. Pero, kung may QID sila at own smartphone, pwede ito at dapat naka on palagi.

Kung expired ang QID ko, pwede pa rin bang gumamit ng EHTERAZ app?

Kahit expired ang QID, maari pa ring mag-access ng EHTERAZ app. Tumawag lamang sa 109 hotline.

May bayad ba ang swab test at hotel quarantine para sa mga Non-OFWs?

Returning Filipinos to the country who are not overseas workers will have to shoulder their expenses in government quarantine facilities, according to Malacañang. The cost for coronavirus testing, meanwhile, will be shouldered by PhilHealth, Presidential Spokesperson Harry Roque said. 

“Kung kayo po ay isang OFW, iyan po ay libre, babayaran ng OWWA [Overseas Workers Welfare Administration]. Kung kayo po ay hindi OFW, kayo po ang magbabayad ng quarantine facility,” Roque added.

Lahat ng pasaherong papasok sa Pilipinas, ay dapat mag-register sa “Electronic Case Investigation Form (e-CIF)” ito ang bagong sistema ng Philippine Red Cross.

Ano ang e-CIF registration? 

Ito ang ipapakita niyo sa Philippine Immigration at sa airport bago kayo payagang makapasok ng Pilipinas.

Mas mabuting magregister kayo bago makarating ng Pilipinas to avoid any delays or issues.

Bakit kailangan i-fill-out ang e-CIF?

Ito ay para masigurado na ang sinumang galing sa ibang bansa at papasok sa Pilipinas ay dadaan sa pagsusuri para sa covid-19 upang lalong maagapan ang paglaganap ng nasabing sakit sa ating bansa.

Kailan dapat i- fill-out ang e-CIF? 

Ito ay kailangang sagutin bago dumating sa immigration. Tatlong (3) araw bago ang iyong pagdating sa Pilipinas maaari na itong masagutan sa e-cif.redcross.com.ph o e-cif.redcross.org.ph 

Sino-sino ang obligadong mag-fill-out ng e-CIF?

Ang sinumang papasok sa Pilipinas, galing sa ibang bansa ay obligadong i-fill-out ito.

Ano ang mangyayari kung dumating ako ng hindi pa nasasagutan ang e-CIF?

Tatagal at hahaba ang proseso ng immigration para sa iyo. Kakailanganin mo pa rin itong sagutan at isumite online bago ka maaring dumiretso sa immigration.

Mga Dapat Tandaan

1. Siguraduhing hawak ninyo ang inyong passport habang sinasagutan ang mga detalye ng e-CIF form. Siguraduhin na tama ang mga ispeling ng lahat ng detalye upang hindi maantala ang pagpapadala sa inyo ng resulta ng COVID-19 test.

2. Pagdating sa Pilipinas, ang lahat ng pasahero ay sasailalim sa swab test (RT PCR o Rapid Test Polymerase Chain Reaction COVID-19 testing) na isasagawa ng mga nagsanay na mga staff ng Bureau of Quarantine (BOQ).

3 Ang bawat pasaherong kakarating lamang ng Pilipinas ay kinakailangang sumailalim sa kwara Quarantine sa mga pasilidad na authorized ng gobyerno bilang quarantine sites hanggang matangap ninyo ang resulta na kayo ay negatibo sa COVID-19 test. Kayo rin ay obligadong magpalipas ng 14 days na Quarantine sa kanya-kanyang mga bahay.

4 Ang mga pasaherong magpopositibo sa COVID-19 ay dadalhin sa isa sa mga itinalaga ng gobyernong COVID-19 Treatment Facility upang mabigyan ng karampatang atensyon at pag-aalaga.

Ito ang mga gabay para s amga returning Filipinos (applicable para sa lahat, hindi lamang OFWs, kundi pati non-OFWs at lahat ng pupunta sa Pilipinas)

Step 1: Registration - Magregister online sa e-cif.redcross.org.ph. Huwag kalimutang i-upload ang picture ng bio-page ng inyong passport

Step 2: Makakatanggap kayo ng confirmation email at QR Code. Isave sa inyong phone o iprint ang inyong code

Step 3: Pagdating niyo sa airport ng Pilipinas, magkakaroon ng briefing para sa simpleng prosesong pagdaraanan

Step 4: Pumunta sa verification counter at ipakita ang inyong QR code. Kayo ay bibigyan ng anim ba barcode stickers. Idikit ang isa sa inyong passport.

Step 5: Kayo ay papupuntahin sa isang testing booth para ma-swab. Ibigay ang limang natitirang barcode stickers sa swabber, o nagsasagawa ng swabbing para sa inyo.

Step 6: Dumiretso na sa immigration counter at ipakita ang passport pati ang barcode sticker. 

Step 7: Para malaman ang inyong quarantine center assignment, pumunta sa mga sumusunod na desk:

Para sa mga OFW – dumiretso sa OWWA
Para sa mga Seafarer na may Local Manning Agency – pumunta sa LMA 
Para sa mga Non-OFW – pumunta sa DOT o Department of Tourism

Step 8: Ipapadala ang inyong resulta through text message at email sa loob ng 72 hours.

HABANG NASA QUARANTINE FACILITY 

- Sundin ang medical protocols tulad ng social distancing, self-isolation, at agarang pag-report kung may sintomas ng Covid-19.
- Idownload ang OWWA Uwian Na application sa Google Play o App Store. Gamitin ito para makapagbigay ng feedback sa OWWA
- Ifollow- ang OWWA Facebook Quarantine Operations Page para sa mga update at dagdag kaalaaman.
- Dumulog sa House Parent, PCG Philippine Coast Guard Security Officer, o Hotel Personnel kung may mga problema o concern.
- May roving doctors, nurses, midwives para sa health monitoring and services. Huwag mahiyang sumangguni sa kanila.
- Kung nakatanggap na ng negative PCR results, ipagbigay-alam lang po ito sa House Parent, PCG or Hotel Personnel o sa Uwian Na App.
- Kung nagkaroon ng sintomas ng COvid-19 may staff ang Department of Health at Bureau of Quarantine na susundo para dalhin kayo sa stringent quarantine facility.
- Kapag naging covid-19 positive, may tauhan po ng BOQ na susundo para ihatid kayo sa positive facility.

TRANSPORT

- Kapag negative ang result sa PCR test, may OWWA o PCG Philippine Coast Guard Bus na susundo para ihatid kayo sa PITX (para sa mga taga Luzon/NCR) o Ninoy Aquino International Airport NAIA (para sa mga taga Visayas at Mindanao) o sa pier (para sa mga maglalakbay sa barko).

- Sa PITX, NAIA o Pier, may database check kung nasa talaan ng Covid-19 negative test results. Magregister at hintayin ang pag-alis ng bus, eroplan, o barko. 

HOME REGION/ LOCAL GOVERNMENT UNIT/ LGU/ PROBINSIYA

Pagdating sa home region, maaring magkaroon ng medical screening, testing o quarantine, ayon sa patakaran ng home region o LGU.

Kung kulang sa 14 na araw ang quarantine sa Metro Manila, maaring kumpletuhin ang 14 na araw sa LGU quarantine facility o home quarantine.

Pagbook ng quarantine hotels bago umalis ng Qatar

Nagpalabas ng announcement ang Qatar Civil Aviation Authority (QCAA) regarding sa required quarantine hotels reservations para lamang sa mga passengers na aalis ng Qatar na may return flight. Subalit marami ang nalilito tungkol sa requirements bago ang kanilang departure mula sa Qatar.

Sino ang pwede at hindi pwedeng makaalis ng Qatar without quarantine hotel bookings? Dapat bang mga passengers na may one-way ticket o pauwi lamang like Qatar to the Philipines ay may confirmed hotel booking pabalik?

Hindi, kung one-way ticket lamang papuntang Pilipinas ay hindi na kailangang kumuha ng booked hotel quarantine pabalik ng Qatar. 

Kapag ang passengers ay babalik sa Doha after September 15 kailangan pa ba ng quarantine hotel booking?

Sa ngayon ay wala pang confirmation. 

Pwede bang magpalit ng hotel reservation date?

Maaaring magbago ang travel dates papuntang Qatar, kaya ang hotel reservations can be changed subject to availability.

Mayroon bang specific documents na kailangan na ipapakita para sa pegboard ng flight pabalik ng  Qatar bukod sa quarantine hotel booking, QID at 

Lahat ng  QID holders na nasa labas ng Qatar ay kailangang maghintay sa authorisation (ito ang link na ibibigay ng Discover Qatar soon). However, QID holders from low-risk countries are only allowed to enter Qatar from 1 August - 15 September, and the list of such countries has not been announced yet. Therefore, QID holders are advised not to book a quarantine package until approval to return to Qatar has been confirmed. Details of the approval process will be published when the eligibility and guidelines are confirmed by the relevant authorities.

Refundablehotel ba ang hotel voucher ?

Hindi, ang voucher mula sa booked hotel sa “Discover Qatar" website ay non-refundable.

Bukas naba ang Clark International Airport para sa repatriation flights?

Oo.

Pwede bang direktang magtungo ang mga OFW sa mga hotel pagka-landing sa airport?

Oo. Unless gusto nila na sa mismong airport sila magpatest.

Paano kumuha ng quarantine certificate?

Ang Philippines’ Bureau of Quarantine (BoQ) ay may website para sa mga sumailalim ng quarantine. Mag log in sa https://quarantinecertificate.com upang magrequest ng  kopya ng BOQ quarantine certificate bilang pruweba na dumaan ka na sa quarantine at pwede mo itong maipakita sa LGU sa inyong probinsiya.

Nasa pagpapasya ng local government unit sa patutunguhan ng OFW kung ilalagay ito sa quarantine o hindi na.

May mga OFWs ba na stranded sa Manila at hindi makauwi ng probinsiya kaya’t natutulog na lamang sa ilalim ng tulay?

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang OFWs na natutulog sa ilalim ng tulay dahil lahat ng mga ito ay naka-hotel na binabayaran ng gobyerno at maging pamasahe ng mga ito ay libre umano.

Ano ang mga dapat kong tandaan kapag nasa quarantine site na ako?

· Magdownload ng Uwian Na Mobile App o log-in sa uwianna.owwa.gov.ph para sa iyong transportation arrangements papuntant probinsiya

· Ang “Hatid Probinsya” program, ay ang temporary service which na maghahatid sa mga locally stranded individuals (LSIs) sa Metro Manila sa kani-kanilang mga probinsiya. Sila mga walang matitirhan sa Metro Manila at kulang ang financial resources na manatili sa Manila. Ang DOLE ang aagapay sa mga OFWs na makauwi sa probinsiya ng libre.

· Kinakailangang mag-register online sa Assistance Information System (OASIS) sa website na ito: oasis.owwa.gov.ph, dahil ito ang nagsisilbing tracker sa mga umuuwing OFWs.

Saan makikita ang master list result ng OFWs na negative sa Covid-19?

Ang Philippine Coast Guard ay magpapalabas ng listahan sa mga OFWs na negative sa Covid-19 sa official social media accounts nito.

PAGBALIK SA QATAR MULA SA PILIPINAS

Kailan makakabalik ang mga galing Pilipinas papuntang Qatar?

Mula August 1 tatanggap ng inbound flights ang Qatar mula sa iba’t ibang bansa. Subalit, bibigyan ng prioritiy na makabalik ang mga galing sa low-risk countries na hindi masyadong apektado ng Covid-19.

By Qatar Day - June 15, 2021

Leave a comment

r